Thursday, June 2, 2011

barbecue

bago mo pabagain ang uling, kinakailangang may kusot o papel sa ilalim ng mga uling. minsan pa nga, nilalagyan pa ng gaas para mas mabilis magbaga. pa-paypayan mo ng maingat para tumuloy tuloy ang silab ng apoy. kung masyadong malakas at mabilis, hindi magbaga ang uling. kung masyadong mabagal at mahina, mamamatay lang ang silab ng kusot.
mabusisi magpabaga ng uling, at minsan ningas kugon lang ang baga dahil hindi ito nababantayan ng mabuti. at minsan sa pagpaypay mo, may mga bagang lilipad at makakapaso. matrabaho magpabaga, matagal, mainit, nakakapagod. pero kung napatuloy tuloy mo ang silab ng uling, hindi matagal at makakapagihaw ka na rin.
malamang sa malamang, ningas kugon lang ang uling. yung tipong mainit lang sa simula tapos mawawala na lang ng bigla. aminado ako minsan ningas kugon lang ako, pero may rason kung bakit. kung nakikinita ko nang walang patutunguhan, bakit pa magpipilit at magpupursigi. ayokong magsayang ng panahon at emosyon sa bagay na walang kasiguraduhan. mabuti nang hipan na ito bago pa mapaso.

3 comments:

  1. sa probinsyang napuntahan ko ngayon bakasyon, namangha ako sa pagluluto doon. apoy talaga ang gamit. well hindi yun ung nakakamangha na part. Namangha ako sa kung gaano kadaling magsindi ng apoy... kung papanuorin lang, ang dali tingnan.

    Minsan nasa kasanayan lang din yan.

    ReplyDelete
  2. @juan: yeah, ouch. better kill it before it blazes out of control.

    @viktor: well sanay ako sa kalan and/or bunsen burner. lol, don't ask how i cooked pasta on a bunsen burner. :D

    marunong rin naman akong magihaw sa uling, although hindi ko nakakain ung iniihaw ko. sunog parati. :)))))

    ReplyDelete