Pumapatak nanaman ang ulan sa may bubongan. Ang ingay, ang lakas. Mga kurtinang hinahangin, ang lamig. Mga tilamsik ng ulan saking pisngi galing sa may bintana—mga luha ko.
Sana katabi kita ngayon, nakahiga at naghaharutan. O di naman kaya nagkwekwentuhan at umiinom ng mainit na tsokolate sa may sofa. Maligo ng sabay at magtampisaw sa ulan, ang saya lang.
Kayakap ka magdamag kasi malamig.
Nangungulila ako sayo.
Nakakalungkot.
Pero, isa ka lang palang kathang isip. Makabangon na nga at gumising. Marami pa akong lalabhan at marami pang huhugasang pinggan.
No comments:
Post a Comment