Saturday, February 26, 2011

migraine

oo nga pala, hindi nga pala tayo
hanggang dito na lang ako, nangangarap na mapasayo.
masakit tanggapin pero, hindi kasi ako ang tipo ng tao na nag-dedemand ng gusto. hindi ko kaya sabihin na, sana ako na lang ang piliin mo. hindi ko naman kasalanan na ganito ako, pero hindi ko rin isini-sisi sayo. nahulog ako mag-isa, tapos nagpapakita ka rin na nahuhulog ka na, pero hindi ako ang priority mo.
gusto kong sabihin sa muka mo, na gusto ko, ako ang priority mo.
asan ba ako sayo? andiyan pa ba sa iyo? aasa ba ko sayo?
may mga pagkakataon na parang gusto ko ng bumitaw, kasi pakiramdam ko wala kang pakialam sa nararamdaman ko. nagsisikap ako na suyuin ka't lahat, pero ikaw ni mag-text man lang, hindi pa magawa. para kong kinakausap ang pader, walang kwenta.
gusto ko kahit isang text man lang sa isang araw, yung tipong magpapasaya sakin kahit sobrang pagod na ko.
gusto ko lang naman, yung totoo.
alam ko sa sarili ko na nahulog na ko. pero kung ikaw ayaw mo, wag mo na kong paasahin. sabihin mo kung ayaw mo, bibitaw naman ako. hindi ako masasaktan, tanggap ko na, na hindi talaga pwede. sabihin mo lang kung ayaw mo na, at ako ang kusang bibitaw.
magkakasakitan pa ba tayo bago ko malaman ang katotohanan? sabihin mo lang na ayaw mo na, titigil ako, para sayo.

first taglish post... yuck

3 comments:

  1. wow! i had to check kung kanino ngang blog ito :) sana nga maklaro kung ano ang totoong kalagayan niyong dalawa.

    ReplyDelete
  2. @grey: epal ka talaga kahit kelan...

    @sean: oh yeah. i don't really like posting in taglish, pero wala eh. naging gnyan siya. :D

    ReplyDelete