Monday, August 22, 2011

Sweet Soul Review - Pizzicato Five

Feeling ko, andiyan ka lang sa tabi-tabi. Alam ko din na naghihintayan lang tayong dalawa. Hindi natin alam baka nagkakatabi pala tayo sa LRT o ‘di kaya nagkakasalubong sa Gateway. Malay mo naman ‘di ba?

Pabiling lablayp. Estudyante. Kailangan ko ng discount.

Hindi naman sa excited akong makilala ka, wala lang. Naiisip ko lang.

Malay mo nagkatitigan na rin pala tayo sa isang coffee shop. Nag “hi and hello” na pala tayo sa may sakayan ng jeep. Baka nakasabay pa kitang kumain sa may pishbolan sa may UP.

Naiisip ko lang din kung may pagkakataon na naiisip mo din ang mga bagay na ganito. Naiisip ko lang din kung minsan naiisip mo rin ba ako?

Napaisip lang naman ako. Wala naman sigurong masama dun.

3 comments:

  1. Ayyyie! Cno yan? Di ka nagsasabi ah. Kwento!

    ReplyDelete
  2. kumusta na nga pala ung guy sa may CR sa isang coffee shop?

    ReplyDelete
  3. @joe: haha. DM'ed you.

    @vik: he's with someone else na. :D

    ReplyDelete